Mga mangingisda mula sa Camarines Norte pinaiiwas sa Tug boat na nasa Albay na may mga sakay na COVID positive

CAMARINES NORTE- Pinaiiwas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisda sa lalawigan ng Camarines Norte na posibleng magawi sa Sto Domingo Albay kung saan nananatili ngayon ang tug boat lulan ang ilang crew na positibo sa COVID- 19.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, sub- station commander ng Philippine Coast Guard na nakabase sa bayan ng Mercedes, na nagpalabas na sila ng tinatawag na Notice to Mariner na nagsasabing iwasan ang pagbiyahe sa naturang lugar kung nasaan ang tug boat.

“Ngayon dito sa station sa Camarines Norte nagpalabas kami ng Notice to Mariner na i- avoid yung pagbiyahe ng mga fishing boat natin na magagawi sa Albay,” ani Rosales.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon pa kay Rosales, muli na namang pinaigting ang monitoring sa mga karagatang sakop ng lalawigan dahil sa pinangangambahang pagpasok ng Delta variant ng Covid- 19.

Tiniyak naman ng PCG na ang mga mangingisda mula sa ibang lugar na nasa Camarines Norte ngayon ay kumpleto ng mga dokumento alinsunod sa ipinag- uutos ng Provincial Incident Management Team.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Tulad halimbawa ng mga mangingisda mula sa karatig na probinsiya ng Quezon ay nandito na sa lalawigan simula pa noong Marso na mayroon umanong kumpletong papeles.

“Actually yung mga fishing boat natin na galing Quezon last March pa yan dumating so dumating yan dito kumpleto ng travel pass, health certificate, may antigen, kung ano ang hinihingi ng province IMT yun ang pino-provide nila dito sa atin.”