Mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa Camarines Sur, bawal munang pumalaot

NAGA CITY- Bawal munang pumalaot ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa Camarines Sur.

Ito ay base sa abiso ng Philippine Coast Guard batay sa gale warning ng DOST-PAGASA.

Read More:  Three pedestrians injured in Lapu-Lapu hit-and-run

Apektado kasi ng Amihan ang Northern Coast ng Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay CPNO Alex Lumbre ng Coast Guard Guihalo, Caramoan, sinabi nitong malakas ang alon delikado kaya inabisuhan na nila na huwag magpumilit.

Read More:  CAFGU member killed, two soldiers wounded in clash with NPA group in Negros Occidental

Pati mga turista sa isa sa mga dinarayong bayan sa probinsya ay inaabisuhan na huwag na munang tumuloy lalo na kung nais mag island hopping.  Tumatanggap naman aniya ang mga resorts pero sa swimming pool lamang.