Mga maliliit na bangka hindi pa rin pinapayagang maglayag dahil sa ilang araw nang nakabanderang gale warning sa karagatang sakop ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nagabiso ang Philippine Coast Guard sa mga mangingisda lalo na ang mga malilit ang bangka na huwag na munang pumalaot dahil sa banta ng malalakas na alon sa karagatang sakop ng Camarines Norte.

Nakabandera pa rin kasi ang gale warning ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa.

Batay sa inilabas na Sea Travel advisory ng Coast Guard Station sa lalawigan, strong to gale force winds pa rin ang asahang makakaapekto dahil sa Northeast Monsoon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kaugnay nito patuloy na pinapaalalahanan ang mga bangkang 250 gross tons pababa na huwag na munang pumalaot alinsunod sa Memorandum Circular patungkol sa Guidelines on movement on motorboats/vessels

Ito ay upang makaiwas sa disgrasya at humantong pa sa pagkawala ng buhay.

Noon lang nakalipas na linggo ay isang bangka ang lumubog sa karagatang sakop ng Mercedes matapos hampasin ng malalaking alon habang pauwi galing sa laot.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Maswerte namang nakaligtas ang limang mangingisdang sakay ng bangka.

Bukod dito, may mga insidente rin ng pagkalunod sa bayan ng Daet at Paracale.

Dahil sa ilang araw nang nakabanderang gale warning, apektado ang kabuhayan lalo na ng mga maliliit na mangingisda sa lalawigan.