Lisa, ng Blackpink naka-recover na mula sa COVID-19

Nakarekober na mula sa COVID-19 ang K-Pop singer na si Lisa mula sa K-pop grupo na Blackpink.

Ayon sa Korean weabsite na Soompi, base sa impormasyon na inilabas ng agency ni Lisa na YG Entertainment ay maituturing na “clinically recovered” na ang K-Pop idol mula sa COVID-19.

Read More:  Toni Gonzaga opens up about backlash that nearly made her quit showbiz

Nagawa naman ni Lisa na tapusin ang kaniyang self-quarantine noong Sabado, December 4.

Kung maalala ay nagpositibo si Lisa sa COVID-19 noong November 24.

Samantala, inanunsyo rin ng TG Entertainment na nagbawas na rin ng mga aktibidad outdoors ang 3 iba pang miyembro ng girl group na sina Jisoo, Rosé, at Jennie.

Read More:  Kris Aquino returns to the screen after years of break from showbiz

Una nang inanunsyo ng YG Entertainment na negatibo sa COVID-19 test ang iba pang mga miyembro ng Blackpink.