Mga magsisibuyas sa MIMAROPA, pinangakuan ni PBBM ng cold storage facility

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga producer ng sibuyas sa MIMAROPA o Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan, ang pagpapatayo ng cold storage facilities upang ma-stabilize ang presyo ng naturang produkto lalo na kapag peak season.

Sa naging townhall meeting kahapon, sinabi ng Pangulo na dahil mahal ang kuryente sa naturang rehiyon, lalagyan ng solar power ang cold storages.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ayon naman kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na kasama rin sa town hall meeting kahapon, may dalawa nang cold storage facilities na itinatayo sa Occidental Mindoro, isa sa San Jose at ang isa ay sa Magsaysay.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Bawat isa sa mga naturang cold storage ay may kapasidad na 1,400 tons.

Habang karagdagang limang storages pa ang nakatakdang itayo sa lugar sa susunod na taon.

Target rin ng ahensya na bumili ng 600 units ng containerized cold storage na ibibigay sa bawat cooperative.