PNP, nakipag-ugnayan na sa foreign counterpart sa pagkakakilanlan ng Canadian National sa Batangas

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police sa kanilang foreign counterparts at iba pang law enforcement agencies, upang matukoy ang pagkakakilanlan ng Canadian national na iniuugnay sa nasabat na P9.6 bilyon na halaga ng shabu sa Alitagtag, Batangas.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, na ang Canadian national ang natukoy na nagrenta ng bahay sa Nasugbu, Batangas na umano’y tinuluyan ng naarestong suspek at iba pa umanong kasamahan nito sa Batangas drug haul.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Una nang tinungo ng mga otoridad ang bahay para isilbi ang search warrant ngunit hindi naaabutan doon ang dayuhan.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Sabi ni Col. Fajardo, tuloy-tuloy ang ginagawang case build-up at pagtugis sa iba pang suspek.

Nasa kustodiya na rin nila ang isang yate na pinaniniwalang pinagkargahan ng mga iligal na droga.