Idinulog ng mga magsasaka sa Sanggunian Bayan ng Narra ang tungkol sa mataas na presyo ng abono at mababang bilihan ng palay.
Ito ang naging sentro ng privilege speech ni SB Benedicto C. Acosta sa nakalipas ng sesyon kung saan inisa-isa ang mga hinaing ng mga magsasaka.
Ayon sa mga magsasaka, wala na sila halos kinikita dahil sa mataas na gastos sa pagsasaka.
Tumaas na anila ang mga bilihin subalit ang presyo ng palay ay nakapako pa rin sa 13-14 kada kilo.
Dahil dito, ilan sa mga magsasaka ang piniling gawing konsumo na lamang ang inaning palay kaysa ibenta.
Samantala, ang hinaing ay tatalakayin muli sa susunod na sesyong regular kasama ang Municipal Agriculture Office upang ito ay hanapan ng solusyon.