LEGAZ[I CITY – Isinagawa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol ang ikatlong yugto ng Enhanced Entrepreneurial Development Training nitong Setyembre 13-14, 2022 sa lungsod ng Legazpi.
Ayon sa tanggapan, ang unang araw ng pagsasanay kung saan ang Phase 1 at Phase 3 ay may dalawampu’t isang kalahok na puno ng talakayan mula sa iba’t ibang mga inimbitahang tagapagsalita upang bigyang kakayahan at ihanda ang mga kalahok sa kanilang napiling negosyo.
Si Bb. Fatima Empig at Ms. Ruth Villamor, ang mga tagapagsalita mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ay naglahad ng mga programang handog ng DTI at Business Plan Preparation.
Si Bb. Jocelyn Orticio mula sa Land Bank of the Philippines ay tinalakay ang mga pangunahing tampok ng Loan Program.
Samantala ang Phase 2 naman ay pangunahing nakatuon sa immersion ng mga kalahok sa iba’t ibang negosyo na ginawa sa ikalawang araw.
Ang Enterprise Development Loan Program ay isang enterprise development intervention at loan facility ng OWWA katuwang ang Land Bank of the Philippines na naglalayong suportahan ang enterprise development sa mga OFW at kanilang pamilya.