Mga magsasaka hinihikayat ng PCIC na ipa-insure ang kanilang mga pananim

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng indemnity checks mula sa Philippine Crop Insurance Corporation ukon PCIC ang 197 na mga magsasaka sa bayan ng Surallah.

Ang distribution ay pinangunahan ni PCIC Board of Director Dr. Gina Terencio at Mayor Pedro Matinong kasama ang iba pang mga opisyal ng LGU.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Muli namang pinaalalahanan ni Dr. Terencio ang mga farmers na ipa-insure ang kanilang mga pananim upang mabawasan ang kanilang pagkalugi oras na may mangyaring kalamidad.

Kaugnay nito, hinihikayat ng opisyal ang mga magsasaka na magparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at PCIC upang maka-avail ng insurance.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Covered ng insurance program ang mga danyos sa mga pananim dahil sa sakit, pest infestation at natural calamities katulad ng bagyo, baha, tag-init, buhawi at lindol.