KORONADAL CITY- TATLONG mga mobile disinfection trucks ang ipinamahagi ng Bureau of Animal Industry (BAI) at ng Department of Agriculture o DA Regional Office 12 sa mga local government units ng South Cotabato, North Cotabato at General Santos City.
Ito ay gagamitin sa disinfection ng mga hog carriers at contaminated road upang masugpo ang pagkalat ng African Swine Fever o ASF sa rehiyon.
Ayon kay South Cotabato Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot na ito ay kanilang gagamitin sa pag-disinfect sa mga trucks upang masiguro na ang lahat ng lumalabas na shipments ay madi-disinfect at mainspeksyon.
Napag-alaman na dalawang bayan sa South Cotabato ang inilagay sa red zone dahil sa ASF.
