NAGA CITY – Makaraan ang School Year 2023-2024 dahil sa init ng panahon, nagpatupad ang Department of Education Naga Division ng Blended Learning sa mga estudyante kung saan, halfday lang ang pasok ng mga estudyante.
Sa pinakahuling tala ng PAG-ASA sa Camarines Sur kahapon Marso 14, umabot sa 37°C ang temperatura sa probinsya.
Sinabi naman sa Brigada News FM Naga ni Naga Central School 1 Principal Frederick Baldoza na ang kanilang mga classrooms ay ventilated kaya hindi apektado ang pag aaral ng mga estudyante. Aniya naghihintay lang sila ng derektiba mula sa kagawaran ng edukasyon kung ibabalik sa blended learning sistema.
Sa isang banda nilinaw ng DepEd na pinapayagan nilang suspendihin ang in person classes dahil sa sobrang init ng panahon upang hindi masakripisyo ang kalusugan ng mga mag aaral.
Samantala inihayag ni Baldoza na pabor siya sa bakasyon ng mga guro ngunit dapat aniya dalawang buwan para magkaroon ng sapat na pahinga at masulit ang bakasyon.