Mga mag-aaral na pumasok sa unang linggo ng balik-eskwela, pumalo sa mahigit 200K – DepEd Albay

LEGAZPI CITY – Aabot sa 230K na mag-aaral ang lumahok sa unang linggo ng balik-eskwela 2022 sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Froilan Tena, information officer ng DepEd Albay, nasa 121, 337 dito ang elementarya at 104, 254 ang sekondarya.

Nasa 214, 989 ang nasa pampublikong paaralan at 10, 602 naman ang mga nasa pribado.

Aniya, naging mapayapa at matiwasay naman ang pasok ng mga estudyante sa kanilang klase, kung saan naroroon ang presensya ng mga kapulisan at mga barangay tanod upang bigyan ng seguridad at kaligtasan ng mga bata.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Tinatayang nasa 556 na paaralan sa lalawigan ang nagsasagawa ng kanilang in person o face-to-face classes.

Tiniyak ng ahensya na ipinatutupad sa mga paaralan ang physical distancing upang maiwasan ang overcrowding.

Binigyan-diin nito na handa na rin ang mga guro at paaralan sa full in-person classes sa buwan ng Nobyembre.

Mayroon na ring inihanda ang bawat paaralan para sa F2F classes tulad ng paglalagay ng isolation rooms at handwashing area, at psycho-social interventions.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Pinayuhan ng opisyal, ang mga magulang na huwag nang papasukin sa paaralan ang kanilang mga anak sakaling makaramdam ito ng mga sintomas ng COVID-19 tulad ng sipon, lagnat at iba pa.

Sa ngayon ay nagpapatuloy din ang assessment ng mga mag-aaral upang malaman ang antas ng kanilang kaalaman matapos ang mga pagbabagong dala ng COVID-19 sa paraan ng pagtuturo tulad ng modular at distance learning.