Malawakang transport strike, ikakasa ng MANIBELA matapos tablahin ni PBBM ang resolusyon ng Senado

Mariing kinukundena ng transport group na MANIBELA ang pagbalewala ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa tunay na alalahanin ng sektor ng transportasyon.

Ito’y matapos niyang tablahin ang resolusyon ng Senado sa pagpapa-suspinde sa PUV Modernization Program.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Ayon sa grupo, nagpapakita ang pahayag ng Pangulo ng matinding kawalan sa pang-unawa at empatiya, na nag-alab ng galit sa libu-libong mga tsuper at operator na nahihirapan sa PUVMP.

Read More:  DTI expands areas under 60-Day Price Freeze amid Habagat, Typhoon Impact

Dagdag pa nito, maraming natatakot na mawalan ng kabuhayan dahil sa napakalaking gastos na nauugnay sa modernisasyon.