Mga lugar sa Metro Manila, sasailalim sa iisang alert level — DILG

Isasailalim ang mga lugar sa Metro Manila sa iisang alert level alinsunod sa inihahaing polisiya ng gobyerno para sa COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Sensing, ang polisiyang ito na kasalukuyan pang isinasapinal ay may layuning maiwasan ang pagsasagawa ng mga public gatheringsa mga lugar na nasa low alert level.

Unanimous naman umano ang desisyon ng mga alkalde ng Metro Manila sa polisiyang ito.

Dagdag ni Densing, nakatakdang  inanusyo ngayong araw ang mga panuntunan na ipapatupad kasama ng polisiyang ito, habang ang Department of Health (DOH) naman ang otorisadong magdeklara ng alert level sa rehiyon.

Inaasahang maipapatupad ang nasabing bagong polisiya simula September 16 na magtatagal ng hanggang dalawang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *