Bagyong Kiko, nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility

Nakalabas na ang bagyong Kiko sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang ala-una pero nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Batanes. 

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging papalo sa 175 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 km kada oras. 

Gumagalaw ito pa north northeastward sa bilis na 20 km kada oras. 

Makakaranas pa rin ng malakas na hangin at ulan ang Batanes, habang makakaranas naman ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang bahagi ng Babuyan Islands.

Pinapalakas naman ng bagyo ang southwest monsoon o Habagat na nagdadala ng pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at western section ng Central Luzon kasama na Zambales at  Bataan.

Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupha sa mga nabanggit na mga lugar.

Samantala makakaranas naman ng maulap na kalangitan ang Metro Manila ngayong araw, at inaasahang gaganda na ang panahon bukas, araw ng Martes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *