Responsibilidad na tukuyin ang counterfeit money, hindi dapat ipasa sa publiko ayon sa ilang senador

Inihayag ni Senator Grace Poe na hindi dapat naipapasa sa publiko ang problema nang pagtukoy sa mga pekeng pera na inilalabas ng automated teller machines (ATM).

Sinabi ito ni Poe, chairperson ng Senate banks, financial institutions, and currencies, matapos ipaalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas na suriin ng mabuti ang mga pera na natatanggap nito mula sa ATM machines upang matiyak ang authenticity nito.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Tinawag ng senadora ang huling advisory ng BSP bilang “disquieting” na dahilan upang makwestyon ngayon kung paano nakakapasok ang mga bogus na pera sa mga makina ng bangko.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Iginiit ni Poe na hindi katanggap-tanggap ang posibilidad ng pag-dispense ng ATMs ng mga pekeng bills, at dapat ay wala itong lugar sa banking system.

Ipinunto ni Poe na dapat ay tiyakin ng mga banko ang mga state-of the art defenses nito laban sa security breaches.