CAMARINES SUR – Maituturing na globally competitive ang mga furniture products sa Camarines Sur kahit na nga locally made ito ng mga Micro, Small and Medium Enterprises.
Ito ang binigyang diin ni Department of Trade and Industry Provincial Director Jay Ablan sa opening ng Feria de Camarines featuring Muebles kahapon kung saan dinaluhan ito ng iba’t-ibang furniture shops sa Camarines Sur.
Isa sa mga patunay nito ang kakasimula pa lamang na furniture shop Obra Bicolandia. Kwento sa Brigada News FM Naga ni Erika Guaves, Assistant Manager ng nasabing shop, dati na silang mayroong furniture shop ngunit napilitang isara dahil sa ilang financial struggles kaya ngayong nakabalik na muli sa industriya, malaking bagay na isa sila sa mga naging kalahok.
Nakabalik man sa pagnenegosyo ng mga furniture, may mga pagsubok pa rin silang kinakaharap tulad ng mahigpit na pag-inspeksyon sa mga kahoy gaya ng mahogany na siyang pangunahing materyal na kanilang ginagamit. Gayunpaman, sinisiguro pa rin nila na de kalidad ang kanilang gawa sa kabila ng mga pagsubok sa pagnenegosyo.