Mga lider ng BARMM, pinulong sa Malacañang

Ipinatawag kamakailan sa Malacañang ang mga gobernador ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao upang talakayin ang mga hakbang na magpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga lokal na lider at ng national government.

Ang naturang pagpupulong ay ipinatawag ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo, sa utos na rin ni Pangulong Bongbong Marcos.

Kabilang sa mga ipinatawag ay ang apat mula sa limang gobernador ng BARMM. Kabilang si Hajiman Hataman ng Basilan, Yshmael Sali ng Tawi-tawi, Mamintal Adiong ng Lanao del Sur at Abdulraof Macacua ng Maguindanao del Norte.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Present din sa naturang pulong ang dalawang gubernatorial aspirants sa Maguindanao na sina Datu Tucao Mastura ng Maguindanao del Norte at Datu Ali Midtimbang ng Maguindanao del Sur. Gayundin sina Partido Federal ng Pilipinas at Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, PFP Secretary Nasser Pangandaman at Mindanao Development Authority chief Leo Magno.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Tinalakay sa pulong na pinangunahan ni Pangulong Marcos, ang pagpapanatili ng political stability sa rehiyon sa gitna ng lumalalang tensyon dulot ng paparating na kauna-unahang BARMM election.

Una nang nanawagan ang Pangulo noon sa mga taga BARMM na tiyakin ang mapayapang halalan sa Mayo sa susunod na taon.