Mga LGUs hinimok ni PBBM na pumasok sa PPP para sa kanilang mga proyekto

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na na humanap ng local partners at investors, at maging “driving force” sa pagsusulong ng economic transformation.

Sa ginanap na pulong ng Pangulo sa League of Cities of the Philippines, sinabi nito maaring pumasok ang mga LGUs sa public-private partnership (PPP) para mapondohan ang kanilang mga proyekto.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Paliwanag ng Pangulo ngayong isinusulong niya ang digitalization naniniwala itong malaki ang magiging papel nito sa PPP, lalo na sa economic recovery at digital transformation ng bansa.

Maliban sa digitalization, tiniyak ni Pangulong Marcos na tututukan ng kanyang administrasyon ang pagpapatayo ng mga imprastraktura.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Inihayag din nito na maraming mga bansa ang nag-alok ng tulong sa Pilipinas kabilang na ang pagpondo sa big-ticket projects, official development assistance (ODA) at joint ventures.