Nagsimula na ang Olongapo City Health Office sa pagtuturok ng 2nd booster shot kontra corona virus disease sa mga nasa limampung taong gulang pataas.
Gayundin sa mga nasa labing-walong taong gulang pataas na mayroong karamadaman o comorbidity.
Kinakailangan lamang na nasa apat na buwan na ang nakakalipas mula nang maturukan ng unang booster dose.
Samantala, sinimulan ito nakaraang Lunes at maaaring pumunta ang mga nais sa 3rd floor ng SM Central kung saan doon na ngayon ang vaccination site.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
