Mga LGU maraming pwedeng gawing stratehiya para palakasin ang pagbabakuna kontra COVID- 19

CAMARINES NORTE- Naniniwala si Department of Health Bicol Assistant Regional Director Dr. Ferchito Avelino na maraming pwedeng gawing stratehiya ang mga Local Government Unit para palakasin pang lalo ang COVID- 19 vaccination.

Ito ay sa harap na rin ng pagmamatigas ng iba na piniling huwag magpabakuna sa kabila ng paulit- ulit na paalala at panghihikayat ng gobyerno.

Sa kaniyang pananalita sa Orientation of Local Chief Executives of Camarines Norte on Universal Health Care na ginanap noong nakatalikod na linggo dito sa bayan ng Daet sinabi ni Avelino na “to a certain degree” ay mayroong kapangyarihan ang LGU para gumawa ng mga polisiya na magpapataas ng bilang ng bakunado.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Inihalimbawa nito ang ibang mga LGU sa rehiyon na nagpatupad ng polisiya na pagbabawal na pumasok sa mall at iba pang establishment kung hindi bakunado.

May nagpatupad din ng polisiya na kailangang magpa RT- PCR test kada ika- 14 na araw na sariling gastos bago payagang pumasok sa trabaho kung ayaw magpabakuna.

Aniya, malaking hamon ito para sa mga LGU pero wala namang masama kung susubukan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Binigyang diin ni Avelino na mas higit na dapat isaalang alang ang “general” right kaysa sa indibidwal na karapatan.

Gayunman, aminado si Avelino na hindi pwedeng gawing national policy ang pag oobligang magpabakuna dahil sa ngayon ay emergency use authorization (EUA) pa ang status ng lahat ng bakuna kontra COVID- 19.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Operation center as of August 24, 2022 nasa 81. 3 percent ang vaccination coverage sa lalawigan.