CAMARINES NORTE- Nanatiling mababa ang COVID- 19 vaccination coverage sa Paracale na pinakamababa sa labingdalawang bayan sa Camarines Norte na mayroon pa lang 65. 6 percent.
Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center sa 44, 045 na target population ay nasa 28, 905 pa lang ang nababakunahan.
Nasa 23, 740 o 53. 9 percent dito ay partially vaccinated habang nasa 24, 025 naman ay fully vaccinated na.
1, 477 o 3. 4 percent pa lang ang nakakatanggap ng unang booster dose at 61 o 0. 19 percent ang nakatanggap ng ikalawang booster.
Aabot sa 15, 140 indibidwal ang hindi pa bakunado.
Pagdating naman sa priority group A2 o senior citizen nasa 2, 882 ang nabakunahan sa target na 4, 738 o 60. 8 percent.
Sa 18- 59 ay nasa 20, 515 o 76. 5 percent ang nabakunahan sa target population na 26, 881.
Sa 12- 17 ay nasa 5, 302 o 95. 3 percent ang nabakunahan sa target na 5, 566.
Lalong mababa ang vaccination coverage sa age group na 5- 11. Sa target na 6, 930 nasa 206 pa lang ang nababakunahan.
