Dinala na sa London ang mga labi ni Queen Elizabeth II.
Ang casket ay kinuha mula sa St Giles’ Cathedral sa Edinburgh, kung saan ito nakalagak simula noong Lunes.
Ang namayapang monarch ay unang dadalhin sa Buckingham Palace bago ibiyahe sa Westminster Hall.
Kaugnay nito, 24 oras naman na naghintay ang mga well-wishers para mamaalam sa longest-serving sovereign ng Britain.
Samantala, nakalatag na ang security operation para sa state funeral sa Lunes, kung saan inaasahang dadaluhan ito ng daan-daang heads of state at government, maging ng global royalty.
