Nagsagawa ng kauna-unahang visit si Charles III sa Northern Ireland bilang hari, sa harap ng pagtour nito sa apat na mga bansa sa United Kingdom, bago ang state funeral ng kanyang ina na si Queen Elizabeth II.
Bilang tagasunod ng trono, nakagawa na si Charles ng 39 visits sa Northern Ireland, kung saan ang recent history ay nabahiran ng sectarian violence sa British rule.
Samantala, nakikita namang tumataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng nagkakaisang Ireland.
Inaasahang dadalo naman si Charles sa Anglican religious service sa naturang lugar, kung saan dadalo rin ang presidente, prime minister at foreign minister ng Ireland.
Sa kabilang dako, batay sa bagong survey, naobserbahang nakarekober na sa mga nakalipas na araw ang popularidad ni Charles, simula nang pagkamatay ng kanyang asawa na si Diana noong 1997 dahil sa car crash.
