Mga kumukuha ng Educational Assistance mula sa DSWD dumagsa rin sa Olongapo at Zambales

Madaling araw pa lamang ay pumila na ang maraming mga magulang at estudyante sa DSWD Extension Office sa Olongapo City.

Ito ay para makakuha ng Educational Assistance na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development.

Dahil sa haba ng pila, ayon kay DSWD Provincial Team Leader Rosemarie Hebron, nagcut-off na ng alas syete ng umaga.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Maging sa Zambales Sports Complex, ay dumagsa rin ang mamamayan na nais makakuha ng tulong mula sa gobyerno.

Nakiusap ang kagawaran sa mamamayan na kung hindi naakomoda ngayong araw ay maaari namang magsumite ng requirements mula Lunes hanggang Byernes at hintayin ang schedule na ibibigay para sa pay out.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ang pay out ay gagawin tuwing araw ng Sabado hanggang sa September 24.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO