Produktong Botolenyo, inihahanda na sa nalalapit na pagbubukas ng Pasalubong Center

Inihahanda na ng mga Micro Small and Medium Enterprises ang mga produktong sariling gawa sa Botolan, Zambales.

Ito ay para sa nalalapit na pagbubukas ng Botolan Pasalubong Center ng Tourism Office.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Nagkaroon ng product presentation ang mga MSME’S nakaraang August 16 sa Tourism Office kung saan may labing-dalawang klase ng produkto ang i-didisplay sa Pasalubong Center.

Bukod dito nagkaroon din ng ‘product shooting’ sa ginawang presentasyon bilang promosyon ng mga produkto sa pag-uumpisa nito.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Ayon sa Tourism Office, nakatakdang buksan ang Pasalubong Center sa susunod na linggo.//Russell Banawa-BNFM IBA

PHOTO: LGU BOTOLAN