Educational cash assistance payout ng DSWD sa Camarines Sur, hating gabi pa pinilahan

NAGA CITY—Dinagsa ng mga estudyante at mga magulang ang City Hall grounds kung saan ginagawa ang payout ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa Naga City sa pag-asang mabibigyan ngayong araw ng Educational Cash Assistance ng ahensya.

Sa haba ng pila ay dinaig pa ang pila sa Philippine Statistics Authority o PSA kapag peak season at mga huling araw sa COMELEC registration.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

May iba na hating-gabi palang ay nasa venue na para maghintay at mauna sa pila.

Dahil nga sa dami ng mga naghihintay ay uminit ulo ng mga nasa priority lane gaya ng buntis na nawalan ng linya matapos ukupahin ng iba.

Isa naman si Nanay Nilda Advincula ng Barangay San Felipe Naga City na nag-abang alas-4:00 pa ng madaling araw kanina.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Aniya, malaking tulong ito sa gaya nilang walang trabaho at pinagkakakitaan na may tatlong mag-aaral sa Elementarya at Sekondarya.

Sinabi naman ni Atty. Clarissa Bombase Pacamarra, Assistant Regional Director for Administration ng DSWD Bicol, na sapat ang kanilang mga Social Worker para tumulong sa pamamahagi ng ayuda.

Pipilitin rin aniya nila na lahat ay mabigyan ng cash assistance basta kompleto ang mga dalang dokumento.