CAMARINES SUR – Sa kabila ng mahigpit na pag-monitor at pagpapatupad ng Goa Traffic Management Office sa mga regulasyon sa trapiko, problema pa rin ng opisina ang mga kulorom na tricycle na naglipana at bumabyahe sa nasabing bayan.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Neo Pitallano, ang head ng GTMO, sinabi nitong mas dumami ngayon ang mga kulorom na tricycle na karamihan ay mula pa sa mga kalapit bayan.
Bagaman nagkaroon na ng pag-uusap sa parte ng lokal na gobierno ng nasabing bayan at ng mga presidente ng toda, sa ngayon ang tanging nakikitang mungkahi ng mga tricycle driver mula sa mga bayan ng Tigaon at San Jose ay ang paglalagay ng isang terminal na eksklusibo naman sa kanila.