Mga kawani ng DepEd hinimok na kabisahin ang kanilang Mission at Vision

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Crestito Morcilla ang mga kawani ng Department of Education na kabisahin ang kanilang Mission and Vision.

Ayon kay Morcilla dapat umanong kabisahin at isapuso ito dahil bilang kawani ng departamento ay mabilis dapat itong masagot kapag may nagtanong sa kanila.

Ayon sa opisyal gagawin niya ang pagtatanong ng mission and vision statement paminsan- minsan kaya mahalagang isaulo ito ng bawat isa.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Samantala, patuloy naman ngayon ang ginagawang information caravan patungkol sa bagong Merit Selection Plan (MSP) at Recruitment Selection and Appointment (RSA).

Nagawa na ito sa ilang distrito tulad ng Basud, San Vicente, San Lorenzo Ruiz at iba pa.

Ayon kay Morcilla, guided ngayon ang DepEd ng bagong set of guidelines o assessment sa mga guro at non-teaching personnel.

Target din umano na sa pagtatapos ng kasalukuyang taon ay makamit ng SDO Camarines Norte ang bronze award for PRIME-HRM.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Mababatid na nitong taon lang ay ginawaran ng pagkilala ang SDO Camarines Norte dahil sa pag abot ng PRIME-HRM Maturity Level II para sa lahat sa apat na Human Resource Systems.

Ito ay ang Recruitment, Selection and Placement (RSP), Performance Management (PM), Learning and Development (L&D), and Rewards and Recognation (R & R).