Lolo, sugatan sa pananaksak ng apo ng kanyang live-in partner sa Lucena City

Sugatan ang isang lolo matapos umano itong saksakin ng apo ng kanyang live in partner sa Waling-waling St., Phase 2, Calmar Homes, Barangay Kanlurang Mayao, Lucena City nitong Martes, Abril 18.

Kinilala ang biktima na si Porferio Dela Cruz, 62-anyos at residente ng naturang lugar.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Ayon sa report, nagkaroon umano ng mainit na alitan sa pagitan ng biktima at ng suspek na noon ay nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Sa gitna nito, kumuha ng isang kutsilyo ang suspek saka sinaksak ang biktima na tumama sa tiyan at kaliwang braso nito.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Agad na isinugod sa hospital ang biktima para malapatan ng lunas habang ang suspek naman ay naaresto rin ng mga awtoridad. Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Frustrated Homicide.