Mga kaso laban sa mastermind sa Lapid slay case ihahain na ngayong araw

Handa na ang mga ebidensya at iba pang dokumento para sa paghahain ng kaso laban sa mga idinadawit sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid at ang pagkamatay ng middleman sa kaso na si Jun Villamor.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, posibleng dalawang mga mastermind ang mapabilang sa mga kasong masasampahan ng Philippine National Police (PNP) at ng National Bureau of Investigation (NBI).

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Una nang sinabi ni Remulla na unti-unti nang nabibigyan ng liwanag ang pagpatay kay Lapid.

Kaugnay nito, kinumpirma na rin umano ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pagde-deposit ng P550,000 sa account ng self-confessed gunman na si Joel Escorial, na kapalit sa pagpatay kay Lapid.

Ayon kay Remulla – ang kabuoang halaga na ito ay magkakahiwalay na idi-neposit sa loob ng tatlong linggo, at posible rin umanong may iba-ibang mga tao ang nag-deposit ng pera.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Bago ito, una nang sinabi ni SoJ Remulla na mayroong mga malalaking personalidad na posibleng persons of interest sa kaso, pero hindi naman nito kinumpirma o itinanggi kung kabilang si suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag sa mga sangkot sa krimen.