CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng briefing kahapon ang Commission on Elections sa bayan ng Basud, Camarines Norte para sa mga tumatakbong kandidato sa halalan sa Mayo.
Sa naturang aktibidad ay inisa- isa ni Election Officer III Virgilio Veras ang mga ginagawang paghahanda ng komisyon upang masiguro na magiging maayos ang darating na eleksyon.
Inilatag rin ni Veras ang mga dapat at hindi dapat gawin alinsunod sa umiiral na Election law at Comelec Resolutions.
Inanunsiyo rin nito na darating ang mga gagamiting Vote Counting Machine sa Mayo at gagawin ang Testing ang Sealing mula May 2- 7.
Nasa 51 VCM ang darating para sa bayan ng Basud na isa sa pinakamarami sa lalawigan.
Ani Veras ayaw na niyang maulit muli ang nangyari noong 2019 elections na sa labingdalawang bayan sa lalawigan ay pang labing isa ang Basud sa nakapag transmit ng resulta sa Provincial Board of Canvasser na inabot ng ilang araw dahil sa nagka aberyang SD cards.
Ngayon pa lang umano ay gumagawa na ng mga pamamaraan ang Comelec para masiguro na hindi mahuhuli ang Basud sa pag transmit ng resulta.
Sakaling magka aberya ang SD cards ay mayroon umano itong contingency plan.
Isa rin sa concern ngayon ng Comelec ay ang signal dahil mayroon umanong mga lugar sa nabanggit na bayan na mahina.
At dahil nasa panahon ng pandemya gagawin ang halalan ay may ilang mga idinagdag tulad ng paglalagay ng Medical Officer sa voting center.
Mahigpit din umanong ipapatupad ang minimum health standard tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.
Dumalo rin sa ginawang Candidates Briefing ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Philippine Army, at Philippine National Police.
