Mga kagamitan ng isang eskwelahan sa Roxas Palawan, maaring hindi na mapakinabangan

Problema ngayon ng mg guro mula sa Tagumpay Elementary School Sa Bgy. Tagumpay Roxas Palawan ang paggawa ng mga module ng mga estudyante.

Ito ay matapos na hagupitin ang eskwelahan ng bagyong Odette kamakailan.

Ayon kay Nikki Elvis Aborot, ICT Coordinator ng nasabing Paaralan, nasa 18 na mga desktop computer, 4 personal laptop ng mga guro, 15 na mga printer, mga bondpaper at mga tagong mga dokumento ang nalubong sa tubig baha na may kasamang putik.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dagdag pa nito, ang nasabing paaralan ay may bilang na 365 na mga estudyante, apat din mga classroom nito lubhang pinadapa ng Bagyo.

Humihingi na sila ng abiso mula sa pamahalaan na magsagawa ng limited face -to -face sa bawat purok ng barangay upang maipagpatuloy lamang ang pag -aaral ng mga estudyante.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Panawagan naman nila, sa Pamahalaan, indibidwal, pribadong sektor na matulungan sila at mabigyan ng kagamitan para sa maipagpatuloy ang pagtuturo sa mga bata.

📷Nikki Elvis Aborot