Mahigit 50, 500 nabakunahan sa pag-arangkada ng National Vaccination Days sa Camarines Sur

NAGA CITY- Umabot sa 50,588 ang inisyal na bilang ng nabakunahan laban sa COVID-19 sa buong Camarines Sur sa isang araw.

Pinakamataas ito sa mga probinsya sa Bicol Region.  Ngunit 119, 138 sana ang daily target kung kaya 41.97% lamang ang naturukan sa pag-arangkada ng National Vaccination Days nitong Lunes batay sa tala ng Department of Health Bicol.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang mga nagpabakuna na ay inihalintulad sa bayani kagaya na lamang ni Gat Andres Bonifacio, kahapon ginunita ang ika-158 anibesaryo ng kaniyang kapanganakan.  Ayon kay DOH Camarines Sur Officer Dr. Rey Millena lahat sana tayo ay maging bayani sa isa’t-sa. Ang Bayanihan Bakunahan ay “whole government and whole society approach”

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala , pinasalamatan ni Millena ang mga organisasyon at mga grupo na tumutulong sa tatlong araw na malawakang pagbabakuna . Sapat ang supply at ito aniya ang kailangan sa mas mabilis na pag-abot ng herd immunity.