Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na halos kalahati ng mga jeepney sa Metro Manila ang hindi na makakabiyahe simula February 1.
Base sa datos ng LTFRB, 48.66% o katumbas ng 20,525 ang hindi nagfile ng consolidation sa Metro Manila.
Tiniyak naman ng ahensya na may sapat na pampublikong sasakyan para sa mga pasahero.
Tanong naman ng ilang transport group na bakit sila pinipilit na sumali sa kooperatiba kung bahagi na sila ng asosasyon at mababaon lang aniya sila sa utang kung ipipilit na pabilihin ng mga modern jeepney.
Umaapela naman si House Speaker Martin Romualdez sa Department of Transportation na repasuhin ang public utility modernization program at i-adjust ang pagpapatupad nito.
Iniutos din ni Romualdez na imbestigahan ng House Committee on Transportation ang umanoy sabwatan ng mga opsiyal para mga imported na mga jeep ang bilhin ng mga kooperatiba.
Sinabi naman ng DOTr at LTFB na ang papel lang gobyerno ay magtakda ng specification ng mga jeep.
