Mga insidente ng bullying sa mga bata patuloy na tumataas sa Pilipinas

Patuloy ang pagtaas ng mga insidente ng bullying sa mga bata sa Pilipinas.

Kaya ang ibang magulang ay nangangamba na sa kalusugan ng kanilang mga anak  lalo na sa kanilang mental health.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Base sa survey ng Council for the Welfare of Children 80% ng mga Pilipino na nasa edad 13 hanggang 24 ang nakaranas ng iba’t ibang pang-aabuso.

Sa pag-aaral din ng CWC 2 sa 5 Pilipino ay naging biktima na ng cyber bullying.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Paliwanag ng ilang eksperto na maaaring biktima rin ang mga nambu-bully.

Sinabi ng mga eksperto kung hindi maagapan ang ganitong insidente maaaring may malaking epekto ito sa mental health ng mga biktima.

Tiniyak naman ng Department of Education na papalakasin pa nila ang programa laban sa bullying.