Lumobo pa sa halos 200k ang mga indibidwal an apektado ng sama ng panahon bunsod ng shear line sa Davao Region.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council, ang mga apektadong indibidwal ay mula sa 109 na brgy sa Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao Oriental.
Sa nasabing bilang, nasa 6,700 katao ang nananatiling nasa evacuation centers.
Halos P3M tulong naman ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong indibidwal sa Davao de Oro, Oriental at Davao del Norte.