Mga inani at aanihin na palay ng mga magsasaka sa Bicol, tiniyak na hindi masasayang ngayong tag-ulan

BICOL – Isang daang porsyentong tiniyak ng Department of Agriculture (DA) Bicol na hindi masasayang ang mga inani at aanihin na mga palay ng mga magsasaka lalo na ngayong tag-ulan at may binabantayang sama ng panahon.

Una ng nagpalabas ng pahayag ang naturang ahensya hinggil sa paghahanda nila sa food safety and security sakaling magkaroon ng kalamidad na maaaring makaapekto sa mga agricultural crops at livestocks.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Love Guarin, information officer ng DA Bicol, malaking bagay ang inilagay nilang combined harvester sa bawat probinsya ng rehiyon dahil mas napapadali nito ang pag-aani sa halip na magmano-mano. Sa pamamagitan ng paggamit nito, matitiyak na mas madaling maaani ng mga magsasaka ang mga palay bago pa ito masalanta ng masamang panahon.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar