Mga holiday at long weekend ngayong 2024, inilabas na ng Malacañang

Magplano na para sa mahabang bakasyon at leave.

Kasunod ito ng inilabas na listahan ng Palasyo ng Malacañang ng mga holiday at long weekend ngayong taon.

Sa official facebook page ni Pangulong Bongbong Marcos, deklaradong holiday ang Feb 10 na araw ng Sabado dahil sa Chinese new year.

Long weekend naman mula March 28 hanggang March 31 dahil sa holy week.
Holiday rin ang April 9 na Araw ng Kagitingan, May 1 dahil sa Labor Day, June 12 Araw ng Kalayaan, August 21 Ninoy Aquino Day.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

At long weekend din mula August 24 araw ng Sabado hanggang August 26, araw ng Lunes na National Heroes Day.

Long weekend rin ang November 1 na araw ng Byernes hanggang Nov 3, gayundin din sa November 30 Bonifacio day araw ng Sabado.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Kabilang pa sa holiday ang December 8 Feast of the Immaculate Conception of Mary, additional holiday naman ang December 24 at regular holiday ang December 25.

Long weekend naman ang huling linggo ng Disyembre, mula December 28 na tumapat sa araw ng Sabado; December 30, Lunes Rizal Day; December 31, Martes na idineklarang special non-working day.