KORONADAL CITY- BINALAAN ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang mga empleyado ng provincial government na hindi dumadalo sa regular Monday convocation program.
Ito’y matapos naobserbahan ng gobernador na kaunti lamang ang uma-attend sa Flag Raising Ceremony.
Ayon kay Tamayo na dapat ay tanggapin na ng mga empleyado na siya ang ang nanalong gobernador at kailangang tumalima ang mga ito sa direksyon na nais niyang tahakin para sa South Cotabato katulad na lamang ng pagdalo sa regular convocation program.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ng gobernador ang paglista sa attendance ng mga empleyado at department heads tuwing Lunes.
Ang mga absent sa Flag Ceremony ay kailang magsumite ng written explanation at ang makailang beses na na hindi dumadalo ay bababaan naman ng dismissal order.
