Mga gusali sa Naga City regular ang pag inspeksyon bilang pag-iingat sa matinding pinsala ng lindol

NAGA CITY – Regular ang ginagawang inspection ng City Engineering Office sa mga gusali at iba pang mga istraktura pribado man o pampubliko sa Naga City.

Layunin nito ay upang matiyak ang kalidad, makaiwas sa matinding pinsala ng lindol, bagyo at iba pang kalamidad.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Engr. Alexander Caning, sinabi nito na mas dumami na ang mga gusali kung saan ang iba sa mga ito ay high rise na at delikado sa publiko kung magkaroon ng malakas na paglindol kung hindi maganda ang kalidad.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Anya’y may ibang mga building sa lungsod ay matagal ng taong naitayo subalit ang mga ito ay ni-renovate na rin tulad ng Naga City Peoples Mall, Phil National Bank at ilang mga commercial establishments.

Kung may nakikita silang problema sa istraktura, agad naman nilang inaabisuhan ang management o ang may-ari.