Mga fireworks-related injuries sa bansa, sumipa na sa 32

Nadagdagan pa ng pito ang kabuoang bilang ng mga fireworks-related injuries sa bansa – ilang araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa sentinel report number 7 ng Department of Health – umakhat na sa 32 ang mga nasusugatan dahil sa paputok sa bansa mula December 21 hanggang 28.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Mas mataas na ito ng 39% kumparasa 23 cases na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong period; pero 22% na mas mababa sa five-year average na 41 cases.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Boga pa rin ang may pinakamaraming injuries na mayroong 11 kaso; apat sa whistle bomb; tatlo sa kuwitis; tatlo sa five-star; ay dalawang nasugatan dahil sa ‘camara’.