Bilang ng mga nasawi sa pag-ulang dulot ng Shear Line, umakayat na sa 25

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong nasasawi bunsod ng mga pagbahang dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan dahil sa Shear Line.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sumipa na sa 25 ang mga nasasawi dulot ng naturang sama ng panahon.

Read More:  DFA stands firm on Foreign Service integrity amid Remulla’s visa issuance criticism

16 sa mga namatay ay nagmula sa Northern Mindanao; lima mula sa Bicol Region, at tigalawa mula sa Eastern Visayas at sa Zamboanga.

26 naman ang mga patuloy pang pinaghahanap; habang siyam ang bilang ng mga nasugatan.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Umakyat na rin sa 1,196 ang bilang ng mga nawasak na tahanan; at sa kabuoan ay sumipa na sa P11,740,000 ang pinsala sa mga tahanan.

Lumobo na rin sa P20,870,000 ang pinsala sa imprastraktura; habang P65,924,088 naman ang pinsala sa agrikultura.