Mga Filipino seafarers na sakay ng MV Galaxy na binihag ng Houthi, nagkakasakit na; Pamahalaan nagpasaklolo

Tinatrabaho na ng Philippine honorary consul ang pagpapalaya sa mga may sakit na Filipino seafarers na sakay ng MV Galaxy na binihag ng Houthi group sa Red Sea.

Batay sa ipinarating na ulat ng Department of Foreign Affairs kay Pangulong Bongbong Marcos nitong July 30, nakitaan na ng sintomas ng malaria ang mga seafarers.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Kaya nagpasaklolo na ang pamahalaan sa Sana’a government para magamot ang mga ito.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Sa ngayon nag aantay pa rin ng tugon ang Office of the Undersecretary for Migration Affairs ng DFA sa magiging ulat ng honorary consul hinggil sa apelang payagan nang makauwi ang mga Filipino seafarers.