NAGA CITY – Todo bantay naman ngayon sa kalusugan ng mga baboy ang mga personahe ng LGU-San Fernando, Camarines Sur lalo na ang Municipal Agriculture Office dahil sa African Swine Fever na meron na naman sa isang barangay sa bayan ng Pili.
May mga barangay technicians na nag-iikot sa kani-kanilang lugar para i-monitor ang mga baboy kung nagkakasakit ang mga ito, kung nanghihina, walang ganang kumain at iba pang posibleng sintomas ng ASF.
Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Allan Salvador, ang MAO chief ng San Fernando, sinabi nitong may ilang eksaminasyon na dapat ma-proseso bago malamang positibo sa naturang sakit ang mga baboy at pasalamat sila dahil malulusog naman ang mga baboy sa lugar nila, subalit kailangan pa ring ingatan nila ang mga ito.