Patuloy na inaalam ng kabomberohan ang sanhi ng sunog sa Barangay 2, Bacolod City nitong Miyerkules bandang alas-3 ng madaling araw.
Dahil sa sunog nawalan ng tirahan ang walong put isang pamilya.
Hindi naman bababa sa pitong put apat na bahay ang nasunog na nagsimula sa tinitirhan ni Monaliza Magbanua.
Ayon sa BFP, walang nasugatan sa sunog na umabot sa pangalawang alarma at tuluyang naapula alas 04:48 ng umaga.
Umabot sa P1.4M ang iniwang pinsala ng insedente.
Kaagad naman nabigyan ng inisyal na tulong sa mga apektadong pamilya na nananatili ngayon sa barangay multi-purpose hall.