Mga estudyante ng CatSU, hinikayat na magpabakuna na kontra COVID-19, bilang paghahanda sa ‘safe f2f classes’

BNFM BICOL— Hinihikayat ngayon ang lahat ng mga estudyante sa Catanduanes State University na magpabakuna na kontra COVID-19 bilang paghahanda sa ligtas na face to face classes ngayong susunod na taon.

Sa isang panayam, mismong sina Office of the Student Support Director John Cyrus Francis at Federated College Student Council President Renz Mickenly Tanael ng CatSU, ang humikayat sa mga estudyante ng unibersidad na humabol sa pagbababakuna ngayong huling araw ng National Vaccination Days.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon sa mga student leaders, mahalagang madagdagan ang mga bakunadong estudyante sa Bicol dahil nahuhuli ang rehiyon sa bilang ng mga estudyanteng partially at fully vaccinated na kontra COVID-19.

Bukod dito, isa rin sa mga pamantayan ng CHED ang pagkakaroon ng 90% na mga fully vaccinated students sa isang lugar bago pahintulutan ang face to face classes.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Batay sa pinakahuling tala as of November 28, tanging 62,390 pa lang mula sa 244,396 na mga estudyante sa lahat ng State College and Universities sa Bicol ang bakunado na kontra sa sakit,

Sa huli pinaalalahanan ng mga student leaders ang mga estudyanteng magpapabakuna ngayong araw sa CatSU Gymnasium na huwag kakalimutang magdala ng ID’s, sariling ballpen at sundin ang mga ipinatutupad na health protocols sa vaccination sites.###