Nagpasaklolo sa Brigada ang dalawang estudyante ng full Bright College sa Puerto Princesa matapos silang pagnakawan ng mga cellphone kaninang alas-dos ng madaling araw.
Ayon kay Ms. Glendy Tagaro, nangyari ito sa kanilang tinutuluyang apartment sa Dacanay road Brgy. San Manuel.
Sinira ng magnanakaw ang screen sa bintana ng kanilang apartment at doon dinukot ang dalawang cellphone na ginagamit niya at ng kasama sa pag-aaral.
Inutang pa raw ang pinambili rito kaya lalo silang namomroblema ngayon kung papaano ito mababayaran.
Ang panloloob ay namalayan umano ng isang tenant kaya hindi iyon nanakawan subalit ang ibang nangungupahan ay biniktima rin tulad nila. Nilagyan pa raw ng mga bato ang bag ng mga ito.
Sa 2nd floor ng paupahan ay ninakaw din ang damit ng isang nanunuluyan at iniwan ng suspek ang damit.
Napag-alaman din nila sa barangay na hindi lang sila ang nanakawan kaninang umaga kaya nanawagan ito sa posibleng mapagbentahan ng gadget na sana’y ibalik na lamang ito sa kanila.
Samantala, ang insidente ay iniimbestigahan na ng Police Station 1.