Dairy farmer associations sa So.Cot, nakatanggap ng milking machines

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng dairy processing equipment mula sa provincial government ng South Cotabato ang 5 dairy farmer associations and cooperatives.

Ito ang suporta ng probinsya sa pagpapaunlad sa dairy production and marketing sa lalawigan.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Kabilang sa nakatanggap ng tig-isang set ng milking machine ang Barangay Buto Small Coconut Farmers Organization ng Tampakan; Canahay Dairy Farmers Association ng Barangay Canahay, Surallah; at Malaya Farmers Integrated Association ng Barangay Malaya, Banga.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Samantala, nakatanggap naman ng isang set ng milking machine at freezer ang Hang Land Agricultural Credit Cooperative at isang freezer ang natanggap ng Backyard Goat Raisers Association of South Cotabato na nasa Barangay Rizal, Banga.