CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Department of Education na nadagdagan pa ang bilang ng mga eskwelahan sa Camarines Norte na lalahok sa limited face-to-face classes.
Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo sa 315 na eskwelahan sa elementarya at sekundarya ay nasa 310 na ngayon ang lalahok sa limited face- to-face classes mula nang ito ay maumpisahan noong Marso 1.
Simula kasi ngayong araw, April 4, ay magpapatupad na rin ng limited face-to-face classes ang sampung eskwelahan mula sa bayan ng Talisay.
Umaasa naman si Guemo na mas dadami pa ang mga magulang na papayagan ang kanilang mga anak na pisikal na pumasok sa eskwelahan.
Inanunsiyo rin nito na may dumating na tulong mula sa DepEd Central Office na karagdagan sa Maintenance and other Operating Expenses (MOOE) para sa progressive expansion ng limited face-to-face classes.
Ito umano ay para makabili ang eskwelahan ng karagdagang Covid- 19 essentials o mga health items na kailangan ng mga estudyante upang manatili silang ligtas.
Mayroong mga indicators sa distribution ng karagdagang bdget tulad ng laki o liit ng eskwelahan at ang bilang ng mga participating learners at teaching personnel.
